Ang Mapaghiganting Bubuyog.
Galit na galit ang mga bubuyog sa tao. Papaano, kapag natatagpuan ng mga tao ang kanilang pukyutan ay inuubos ng mga ito ang pulut- pukyutan doon. Dahil doon dumulog ang reyna ng mga bubuyog sa diwata ng kagubatan. Nag-alay ito ng pulut-pukyutan at humiling sa diwata . "Pagkalooban n'yo po kami ng tibo sa puwitan, upang gamiting sandata laban sa mga tao. Na sinuman sa kanila ang magnakaw uli ng aming pulot- pukyutan ay makakatanggap ng tusok mula sa aming tibo at sila ay masasaktan at masusugatan." Hindi nagawang tumutol ng diwata sa kahilingan ng mga bubuyog. "Pagbibigyan ko kayo sa inyong kahilingan, sa isang kundisyon. Kapag naiwan ang tibo na naitusok ninyo sa katawan ng tao, kayo ang mamamatay," sagot ng diwata ng kagubatan. Kaya ganoon ang kundisyon ng diwata ay dahil sa maitim na hangaring makapaghiganti ng mga bubuyog.
:) short and nice yet i find it hard to draw. imba!
--->chichi
0 comments:
Post a Comment