Monday, November 29, 2010

1 comments 7:47 AM

112910.

Posted by empressmichiko -
Inaamin kong masyado na akong naimpluwensiyahan ni Tricia Gosingtian kaya naman ganyan na rin ang title ng blog ko ngayon. Bakit ako nagblog? Kasi nainggit ako. Tama. Nainggit nanaman ako sa mga tao na may creative writing skills natutuwa ako kasi maraming matatalinong tao ang nagbblog yan tuloy minsan napapaisip na rin ako.

**pause**

OT muna. May progress na pala ang bago kong online haven, syempre nalayout ko na yung gusto kong mangyari at napakasaya dahil may tutulong sakin para magawa ko yun. HAHAHA. Pero iniisip ko rin kung lilipat ako ng blogsite o hindi. Wordpress, tumlbr o blogger pa rin? Hindi ako familiar sa wordpress kaya di ko alam kung mageenjoy ako. Walang kwenta ang tumblr ko pero yung mga crushes ko active sa tumblr kaya napapaisip ako na magstay na lang sa tumblr at ayusin ng masinsinan ang pagbblog ko dun. Kaya lang, sayang naman yung blog ko na to. Nagsimula 'to nung fourth year hs ako e kaya lang highly influenced pa ko ng mga G sa chatroom kaya naman (guanitoez pfuah aqc0e magtYpe nu0n) at nahihiya slash naiirita slash nabobobohan ako sa sarili ko pagnababasa ko ulit yung mga post na yun. Sooooo eto, undecided pa rin ako kung gagawa ako ng bagong blog sa blogger/wordpress/tumblr!

**play**

Ayun mabalik sa mga taong nakakapagpamangha sa'kin sa blogosphere. Oo, araw araw kong tinitignan kung may new post sila. Minsan tatlong beses o higit pa sa isang araw. Wala lang, trip ko lang!


.
..
...

Bigla na lang sumagi sa isip ko kung dapat ba talaga ko sa IT industry. Una, madalang akong magbasa ng reviews/updates tungkol sa mga technology. Pangalawa, kung pagkukumparahin kung gaano ko kadalas tignan ang mga fashion sites sa tech sites ay 70% at 20% ang rates respectively. **Ayun lumabas na lahat ng boys ko. Hahaha. Nagbabantay kasi ako ng shop at maisasara ko na siya ngayon 12:09am.** Pangatlo, nawala na sa isip ko dahil kinausap ako ng tito ko tungkol sa bill. Aissssssssh!

.
..
...

Dakilang usisera talaga ko. At napakarandom na nitong blog ko. Kung kani-kaninong blog kasi ang binabasa ko e. Pero blogs are meant to be read naman di ba? (WTH am I talking about? **slaps my face**) May mga nabasa lang ako tungkol sa mga tao na pinadadalan ng mga boutiques ng regalo para iblog nila yun, wow! Sana lahat ng bloggers nireregaluhan para magsulat ng review. Meron din namang puro love life ang laman ng online journal. Yung iba sobrang lalim ng tagalog, yung iba ang hirap naman intindihin ng English. Pero dapat wala naman akong pakialam dun. Kanila yun e, akin naman to. Pinagkaibahan nga lang, may nagbabasa ng sa kanila, sa akin ay wala. ( >.< :| T_T ) Tatapusin ko na nga to kahit wala namang sense ang blog ko for today, baka kasi kung anu ano pang letra ang mapindot ng mga magaganda kong daliri at may madaldal pa akong iba. Babawi na lang talaga ako sa susunod at sisikapin ko na maayos na ko magblog kapag maayos na rin yung interface ng blog ko. Hehehehe.

Ja'ne!






Continue reading...